Ang pagboluntaryo ay naghatid ng kaligayahan at kaginhawaan sa mundo at sa aming mga sarili.
Saturday, October 29, 2016
Friday, October 28, 2016
Life Well Lived
Ang blog na ito ay binuo upang maipalaganap ang tunay na diwa ng boluntarismo.
Totoong hindi dapat maghintay o humingi ng kapalit sa paggawa ng kabutihan ngunit importanteng pinapahalagahan at kinikilala ang kanilang mga nagawa.
Ayon kay Josh McDowell, “When we express appreciation to young people, we give them as sense of significance.”
Sabi ni William James, “The deepest principle of human nature is a craving to be appreciated.”
Lahat tayo ay gustong maramdaman na tayo ay mahalaga at makita ng iba ang ating mga kontribusyon at mga nagawa. Importante para sa atin na malamang nakagawa tayo ng pagbabago sa buhay ng ibang tao.
Ang pasasalamat sa isang boluntaryo ay maaring magbunsod ng diwa, pasyon at layunin. Bumubuo ito ng kumpiyansa sa sarili, pagpapahalaga sa sarili at buong sariling imahe. Ito ay nagbibigay ng sigla at pagganyak na mas pagbutihin at patuloy na gumawa.
Inaanyayahan namin kayong magpasalamat sa mga taong tayo'y natulungan, napaglingkuran at nagbigyang serbisyo.
Begin to adopt an attitude of gratitude!
“Three billion people on the face of the earth go to bed hungry every night, but four billion people go to bed every night hungry for a simple word of encouragement and recognition.” - Robert Cavett
Monday, October 24, 2016
Paalala ng Aming Magulang
"Huwag kang mahiya kung tama naman ang iyong ginagawa."
"Gumising ng maaga."
"Manalig lamang sa ating panginoong Diyos."
Inihanda nila: Paula Monte, Arjie Rebosura, Relyn Masbate, Denise Almonte, at Tiffany Llana
Ang bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit. Ito ay marami ding katawagan tulad ng Bayanihan, Damayan, Kawanggawa o bahaginan.
Benepisyo ng Bolunterismo:
- Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod.
- Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
- Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
- Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba.
- Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na ang kanyang sarili.
Mga Salik sa Pakikilhok at Pagboboluntaryo:
- Time (Panahon) - Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito lumipas hindi na ito maibabalik. Sabi nga sa isang
- Talent (Talento) - Ang bawat isa ay binigyan ng Diyos ng talento at ito ay iyong magagamit upang ibahagi sa iba. Iba-iba ang talento ng bawat isa. Ang paggamit ng iyong talento ay makatutulong hindi lamang sa iba kundi ito ay makatutulong din sa iyo upang higit kang magkaroon ng tiwala sa iyong sarili.
- Treasure (Kayamanan) - Maaring ang unang sasabihin ng iba ay wala akong pera, mahirap lang kami, wala akong maitutulong, ngunit sa pagbibigay hindi tinitingnan ang laki nito sapagkat gaano man ito kaliit ang mahalaga ay kusa mong ibinigay ito ng buong puso para sa nangangailangan.
Sunday, October 23, 2016
"Wherever a man turns he can find someone who needs him." - Albert Schweitzer
There are two ways of spreading light - to be the candle or the mirror that reflects it. - Edith Wharton
Volunteers do not necessarily have the time; they just have the heart. - Elizabeth Andrew
I've seen and met angels wearing the disguise of ordinary people living ordinary lives. - Tracy Chapman
The purpose of life is not to be happy - but to matter, to be productive, to be useful, to have it make some difference that you have lived at all. - Leo Rosten
I am a little pencil in the hand of a writing God who is sending a love letter to the world. - Mother Teresa
We cannot always build the future for our youth, but we can build our youth for the future.
- Franklin Delano Roosevelt
Wherever there is a human being, there is an opportunity for a kindness. - Seneca
Mga Organisasyon
The world is hugged by the faithful arms of volunteers.
"Para sa batang Pilipino" |
Subscribe to:
Posts (Atom)