Ang blog na ito ay binuo upang maipalaganap ang tunay na diwa ng boluntarismo.
Totoong hindi dapat maghintay o humingi ng kapalit sa paggawa ng kabutihan ngunit importanteng pinapahalagahan at kinikilala ang kanilang mga nagawa.
Ayon kay Josh McDowell, “When we express appreciation to young people, we give them as sense of significance.”
Sabi ni William James, “The deepest principle of human nature is a craving to be appreciated.”
Lahat tayo ay gustong maramdaman na tayo ay mahalaga at makita ng iba ang ating mga kontribusyon at mga nagawa. Importante para sa atin na malamang nakagawa tayo ng pagbabago sa buhay ng ibang tao.
Ang pasasalamat sa isang boluntaryo ay maaring magbunsod ng diwa, pasyon at layunin. Bumubuo ito ng kumpiyansa sa sarili, pagpapahalaga sa sarili at buong sariling imahe. Ito ay nagbibigay ng sigla at pagganyak na mas pagbutihin at patuloy na gumawa.
Inaanyayahan namin kayong magpasalamat sa mga taong tayo'y natulungan, napaglingkuran at nagbigyang serbisyo.
Begin to adopt an attitude of gratitude!
“Three billion people on the face of the earth go to bed hungry every night, but four billion people go to bed every night hungry for a simple word of encouragement and recognition.” - Robert Cavett
No comments:
Post a Comment